Mas mailalapit na sa mga residente ng San Fabian ang serbisyo at produktong agrikultura sa pagtatayo ng Kadiwa Center at piggery farm sa ilalim ng Inspire Project sa San Fabian.
Magsisilbi itong trading hub kung saan direktang maitatampok ng mga local producers at vendors sa San Fabian ang kanilang mga produkto tulad ng gulay, bigas, karne at iba pa.
Isinasaayos na rin ang mga ipapatayong babuyan kung saan kaya ang 300 baboy.
Ang naturang proyekto ay pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan at ilang kooperatiba ng mga magsasaka sa bayan.
Nauna nang nagsagawa ng pagpupulong ang LGU San Fabian kasama na ang mga magsasaka kung saan tinalakay ang magiging operasyon ng mga imprastraktura.
Inaasahang matatapos ang konstruksyon nito ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨