𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗨𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪, 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Nagulantang ang isang insurance agent mula sa Brgy. Seselangan, Sual kinilala bilang si Jemimah Lucas matapos makitang basag at tila pwersahang binuksan ang bintana ng bahay nito. Napag-alaman na nawawala ang nasa P3, 000 na itinago sa drawer.

Dagliang nahuli ang isa sa mga suspek na tinukoy din bilang street level individual sa bayan ng Sual kinilala bilang si Kenny Ramiscal, 21 anyos at residente ng parehong lugar. Samantala nakatakas ang isa pang kasamahan nito.

Nakumpiska sa naarestong suspek ang 5 gramo ng dried marijuana leaves, limang live ammunition ng caliber 9mm na baril, martilyo at itak.

Nahuli naman agad sa isinagawang hot pursuit operation ang kasamahan nito na si Sammy Sotto at nakumpiska dito ang live ammunitions ng mga baril.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591 ang mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng nga awtoridad |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments