𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗖𝗔𝗟𝗔

Arestado sa buy bust operation sa Brgy.Laoac, Alcala ang dalawang lalaki pawang walang tukoy na hanapbuhay matapos mahuling nagbebenta ng hinihinalang shabu.

Kompiskado sa mga ito ang dalawang sachet ng ilegal na droga at 26 piraso ng 100-peso bill, kabilang pa dito ang limang identification cards, tatlong unit ng cellphone at motorsiklo na ginamit ng mga ito.

Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments