Timbog ang dalawang lalaki matapos maaktuhang nagpopot session sa Brgy. Victoria,Alaminos City.
Ang mga suspek ay edad 45 anyos at 54 anyos na magsasaka na pawang residente sa lugar.
Ayon sa pulisya, nakatanggap ang mga ito ng sumbong mula sa isang concern citizen na dalawang lalaki ang gumagamit umano ng shabu sa isang pinaparentahang bahay.
Nang puntahan ito, huli sa akto ang paghihit ng dalawa sa ipinagbabawal na gamot. Kulong ang dalawa na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments