𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗡𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗕 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗘𝗭 𝗔𝗩𝗘, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗗𝗔𝗗𝗔𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗜𝗦𝗧𝗔

Nadadaanan na ang dalawang lanes ng bagong gawang kalsada sa bahagi ng AB Fernandez Ave, matapos itong buksan para madaanan ng mga motorista noong Linggo.

Bagamat one-way traffic pa rin ang AB Fernandez Avenue, pinapadaanan na ang nasabing bahagi ng kalsada, sa mga may rutang Eastern Dagupan, tulad ng Mangin, Tambac at Bolosan. Samantalang, sa Herrero-Perez naman ang daan ng mga patungo ng Calasiao at San Carlos.

Samantala, hindi pa man tuluyang tapos ang nasabing konstruksyon sa bahagi ng AB Fernandez Avenue, nagdudulot naman na ito ng bahagyang kaginhawaan sa mga napapadaan dito, partikular na ang mga dumidiretso papunta sa downtown area.

Inaasahan naman na makakadaan na ang iba’t ibang ruta ng jeep sa ilan pang pangunahing kalsada, sa oras na matapos ito, sa lungsod na kasalukuyang ginagawa ng DPWH. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments