𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Naserbisyohan ang mga residente sa bayan ng Mangaldan sa isinagawang back-to-back medical mission hatid mula sa tanggapan ng 4th District Congressman katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mangaldan.

Isinagawa sa bahagi ng Brgy. Salaan at Embarcadero ang naturang libreng serbisyong medikal kung saan napakinabangan ng mga residente nangangailangan ng atensyon pagdating sa kanilang mga kalusugan.

Naging aktibo naman sa pakikibahagi ang mga barangay officials sa mga nasabing barangay para sa pagsasakatuparan ng naturang medical mission.

Samantala, inaasahan na magkakaroon muli ng libreng medical mission sa bayan sa oras na mailabas na ang nakatakdang schedule para rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments