𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Pinaghahanap na ng awtoridad dalawang mangingisdang napaulat na nawawala sa bayan ng Bolinao.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umalis para pumalaot ang 38 anyos na lalake na si Rocky Bravo, kasama ang kapatid nitong lalaki na si Rolanda Bravo, 24 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Balingasay, Bolinao.

Bigong makabalik sa inaasahang oras ang mga ito bunsod na rin ng masamang lagay ng panahon.

Sakay ang dalawa ng dilaw na bangka at may pangalang ‘Trixie Joy’.

Nauna nang isinagawa ng kapulisan katuwang ang PCG at MDRRMO ng imbestigasyon at posibleng search and rescue operation upang mahanap ang dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments