Naiturn-over na sa Community Environment and Natural Resources (CENRO) Dagupan ang dalawang sawa na natagpuan sa dalawang sitio ng Brgy. Poblacion, Bautista.
Ayon sa mga residente na nakatagpo nito, tinatayang may haba na 10.72 ft ang isang sawa na natagpuan isang bahay kaya agad itong isinangguni sa barangay council.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay CENRO Dagupan Ecosystem Management Specialist I Philip Matthew Licop, tinukoy na reticulated phythons ang uri ng ahas na nakita sa bayan.
Posible umanong dahilan ang disturbance sa habitat ng mga ito dulot ng mga water systems o irigasyon at makinaryang pansaka lalo na at malawak ang vegetation area sa bayan ng Bautista. Dagdag ng opisyal, bagamat bihirang umatake ang mga sawa sa tao ay mapanganib pa rin ito.
Sa kasalukuyan, napakawalan na ang mga naturang sawa sa designated releasing site ng CENRO Dagupan matapos ang rehabilitation at check-up sa posibleng sugat.
Paalala ng CENRO Dagupan,ipagbigay-alam sa tanggapan ng barangay, DRRMO at LGU ang pagkakatagpo sa mga sawa at huwag sasaktan, katayin o kakainin ang mga reticulated pythons dahil importante ang mga ito sa kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨