𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗡𝗜𝗟𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos silang pagsasaksakin ng lalaking kanilang hinatid sa kanyang bahay dahil sa kalasingan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Fernando Cariño at Jerome Apelado habang ang suspek ay nakilalang si Danny Ocde pare parehong mga residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, hinatid ng mga biktima ang suspek sa kanyang bahay dahil sa kalasingan.

Pagdating sa lugar ng suspek ay natumba ito mula sa kanyang motor at nang tutulungan na sana ay bigla naglabas ng patalim ang suspek at dito na sinaksak nito ang mga biktima.

Nagtamo ng saksak sa tiyan si Carino habang sa likod naman ang tama ni Apelado na agad naman silang naisugod sa pagamutan habang naaresto ang suspek kasama ang patalim na ginamit nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments