๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—” ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ข, ๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—ก๐—”๐—ž๐—ฆ๐—”๐—ž ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ๐—ก๐—š ๐—›๐—œ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—” ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ก

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa katao matapos silang pagsasaksakin ng lalaking kanilang hinatid sa kanyang bahay dahil sa kalasingan.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Fernando Cariรฑo at Jerome Apelado habang ang suspek ay nakilalang si Danny Ocde pare parehong mga residente ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, hinatid ng mga biktima ang suspek sa kanyang bahay dahil sa kalasingan.

Pagdating sa lugar ng suspek ay natumba ito mula sa kanyang motor at nang tutulungan na sana ay bigla naglabas ng patalim ang suspek at dito na sinaksak nito ang mga biktima.

Nagtamo ng saksak sa tiyan si Carino habang sa likod naman ang tama ni Apelado na agad naman silang naisugod sa pagamutan habang naaresto ang suspek kasama ang patalim na ginamit nito. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments