𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥𝗦𝗜𝗞𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nasawi ang dalawang katao matapos ang salpukan ng motorsiklo at bus sa kahabaan ng Tambac Rd., Brgy. Tambac, Dagupan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang driver na nakilalang si Romhel Eleazar at angkas nitong si Jessa Mary Labio, residente ng Bolinao na binabagtas ang kalsada patungong Mangaldan nang biglang lumihis papunta sa kanilang linya ang bus na minamaneho ni Marvin Disu.

Sumalpok ang motorsiklo dahilan ng malakas na pagtilapon ng dalawang sakay nito na agad ding isinugod sa ospital subalit parehong idineklarang dead on arrival.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa police personnel ng Dagupan City Police Station, nakatakdang sampahan ng kasong 2 counts of reckless imprudence ang nasabing driver ng bus na nasa himpilan ng pulisya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments