Cauayan City – Kasalukuyan man ang ginagawang rehabilitasyon ng Alicaocao Overflow Bridge, nananatili pa ring normal ang daloy ng trapiko sa nabanggit na tulay.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay Ginoong Allan Laggui, nakatalagang flagman sa tulay, bukod sa ipinatutupad na detouring ay wala naman umanong pagbabago sa daloy ng trapiko.
Aniya, pinapayagan pa ring dumaan sa tulay ang mga light vehicles maging ang maliliit na elf truck na walang mga laman.
Ayon kay Ginoong Salvacion, tuluy-tuloy lamang ang pagdaan ng mga sasakyan tuwing alas sais hanggang alas otso ng umaga, at alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon dahil sa pagpasok at pag-uwi ng mga estudyante at mga manggagawa.
Samantala, patuloy namang nakikiusap sa mga motorista ang mga nakabantay sa lugar na maging madisiplina at responsable sa pagmamaneho upang hindi magdulot ng aberya sa daloy ng trapiko.