Umakyat pa sa higit anim na bilyong piso ang danyos ng El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture, tinatayang nasa PHP 6.3 bilyon ang kasalukuyang naitalang halaga ng pinsala nito sa sektor kung saan PHP 3.3B nito ay sa rice sector.
Ayon ka DA spokesperson Arnel De Mesa, nakapagtala ng kabawasan ng isang daang libong (100, 000) na metrikong tonelada sa rice production sa unang quarter ng taon.
Nananatiling pinakaapektado ang MIMAROPA sa PHP 1.7B, sinundan ng Visayas sa P1.5B habang ilang pang rehiyon sa bansa ay apektado rin kasama ang Ilocos Region. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments