Pumalo na sa P2.76B ang danyos sa sektor ng agrikultura ng umiiral na epekto ng El Niño Phenomenon sa bansa.
Kabilang sa patuloy na naapektuhan ngayon ang rehiyon ng CAR, Region 1, Region 2, Region 3, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), Mimaropa, Region 5, Region 6, Region 9, Region 12.
Ayon kay Assistant Secretary Arnel De Mesa, ang spokesperson ng DA, kabuuang 54,203 na mga magsasaka sa sampung nabanggit na rehiyon ang patuloy na naapektuhan ng dry spell.
Umakyat na rin sa 1.7B ang pinsala sa rice production at P591 naman sa mga taniman ng mais.
Samantala, nagpapatuloy naman ang inihahanda at ipinatupad na mga aksyon ng gobyerno upang matulungan ang mga magsasakang lubos at patuloy na nakararanas ng epekto ng El Niño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨