𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗡, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗤𝗨𝗜𝗡𝗧𝗜𝗡

Patay sa pamamaril ang isang dating Barangay Kapitan sa bayan ng San Quintin.
Ang biktima ay nakilalang si Reynaldo Escobar dating kapitan ng Barangay Tanggal Sawang bayan ng Umingan.
Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motor ang biktima sa bahagi ng Brgy. Bolintaguen sa bayan ng San Quintin nang ito ay paulanan ng bala gamit ang isang Caliber 45 pistol ng dalawa katao na naghihintay sa kanya sa isang puno ng akasia.

Matapos ito ay agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.
Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan at agad namang isinugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP sa posibleng motibo ng pamamaril at maging pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments