𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗖𝗘𝗦𝗦 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦

Maaari nang daanan ang access road sa Brgy. Poblacion, Alaminos City matapos itong sementuhin at lagyan ng karampatang barikada.

Ayon sa Department of Public Works and Highways Regional Office 1, madalas malubog sa baha ang naturang access road tuwing malakas ang ulan at maaring pagmulan pa ng aksidente dahil ito ay lubak-lubak.

Malaking ginhawa pa sa mga residente at motorista ang pagsasaayos ng naturang kalsada dahil maiiwasan na ang panganib umano sa tuwing dumadaan ang mga ito. Kaugnay nito, patuloy umanong tinitignan ng tanggapan ang pagsasaayos ng iba pang local infrastructure tulad na lamang ng barangay roads sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments