Patuloy na gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa pagpatay sa dating Brgy. Captain ng Brgy. Gabon, Calasiao.
Kinilala ang biktima na si Dexter Jimenez. Sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Brgy. San Miguel ang biktima kasama ang kanyang asawa upang sunduin ang kaibigan. Nang magpark ito ng sasakyan, dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang huminto at pinaulanan ang biktima ng bala.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao COP PLtCol. Ferdinand Lopez, may tinutumbok ng anggulo sa posibleng motibo ng pagpaslang sa biktima.
Nakuha na rin ang kopya ng ilang CCTV footages sa lugar na maaaring makatulong sa pagtukoy sa kinaroroonan ng mga suspek at pagkakakilanlan ng mga ito. Nasawi ang biktima habang naitakbo naman agad sa pagamutan ang kaniyang asawa para mabigyan ng medikal na atensyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨