𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗔𝗠𝗔𝗗𝗢 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗜𝗜𝗜, 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗢𝗕𝗘𝗥𝗡𝗔𝗗𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗠𝗜𝗗𝗧𝗘𝗥𝗠 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡𝗦

Kinumpirma ni dating Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III na muli itong tatakbo bilang Gobernador sa 2025 Midterm Elections.

Isinagawa ang deklarasyon nito sa Isinagawang press briefing kasama ang ilang personalidad sa ilalim ng Abante Pangasinan Ilokano Partylist.

Kapartner ni Espino sa bise Gobernador si dating Dasol Mayor Noel Nacar.

Kabilang din sa hanay ng nabanggit na partylist ang kandidato sa bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sina Ricky Camba sa Unang Distrito; Niki Boy Reyes sa Ikalawang Distrito; Joseph Bauzon sa Ikatlong Distrito; Aldrin Soriano sa ika-apat na distrito; at Hero Somera sa ikalimang distrito ng Pangasinan.

Matatandaan na natalo si Espino noong 2022 elections ng kanyang nakatunggali na si Governor Ramon Guico III na nakakuha ng 885,272 na boto malayo sa boto nitong 697,465 votes. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments