𝗗𝗔𝗬 𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗣𝗨𝗣𝗜𝗟, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗨𝗧𝗜𝗦𝗧𝗔

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang day case pupil matapos itong mabangga ng isang motorsiklo sa bayan ng Bautista.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Barangay Palisoc sa nasabing bayan pasado alas singko ng Hapon.
Sinasabing nasa kabila ng kalsada ang biktima kasama ang tita nito at kumakain ng fishball nang biglang tumawid ang bata dahilan para mabangga ito ng parating na motor.

Dahil dito ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan habang nasa kostudiya ng PNP ang driver ng motor. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments