𝗗𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗙𝗨𝗘𝗟 𝗦𝗨𝗕𝗦𝗜𝗗𝗬

CAUAYAN CITY- Matagumpay na naipamahagi ni Mayor Venus Bautista ang fuel subsidy sa mga benepisyaryong magsasaka noong ika-8 ng Agosto sa bayan ng Tumauini.

Ang Fuel Subsidy Assistance Intervention Monitoring Card ay nagmula sa Department of Agriculture (DA) kung saan isa itong multipurpose card na nagsisilbing pagkakakilanlan at transactional card ng mga benepisyaryo ng DA.

Nakalakip sa multipurpose card na ito ang mga impormasyon ng benepisyaryo tulad ng pangalan, larawan, QR code, RSBSA number, at e-wallet card na layuning mapabuti ang distribusyon o pamamahagi sa mga susunod na pamamahagi ng ayuda.


Facebook Comments