Sunday, April 12, 2026

๐——๐—”-๐—•๐—™๐—”๐—ฅ ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก ๐Ÿฎ, ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—œ๐—œ๐—š๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—›๐—ฅ๐—œ๐— ๐—ฃ ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐— ๐—ข๐—ก๐—œ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—š๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—ฌ

Cauayan City – Pinalalakas ng DA-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 (DA-BFAR2), sa pamamagitan ng Fisheries Integrated Laboratory Section (FILS), ang regular na pagsusuri at pagbabantay sa kalusugan ng mga hipon sa mga farm sa Cagayan Valley upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

โ€ŽIsinailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) testing ang 48 sample ng hipon mula sa DATAJ Aquafarm, ang pangunahing shrimp producer sa rehiyon, upang matukoy kung may presensya ng mga mapanganib na sakit sa mga alagang hipon.

โ€ŽKabilang sa mga binabantayang sakit ang White Spot Syndrome Virus (WSSV), Enterocytozoon hepatopenaei (EHP), at Acute Hepatopancreatic Necrosis Disease (AHPND) na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa produksyon.

โ€ŽKasabay nito, patuloy ang pagbibigay ng teknikal na tulong ng ahensya sa mga magsasaka upang mapalakas ang biosecurity measures at masigurong maayos ang aquaculture practices para sa tuloy-tuloy na suplay ng hipon sa rehiyon.

Facebook Comments