Friday, January 30, 2026

𝗗𝗔, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗛𝗜𝗡𝗚𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗡𝗜 𝗔𝗚𝗥𝗜 𝗦𝗘𝗖. 𝗞𝗜𝗞𝗢 𝗟𝗔𝗨𝗥𝗘𝗟

Cauayan City – Pinag-iingat ng Department of Agriculture (DA) ang publiko laban sa mga indibidwal na nagpapanggap bilang si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. gamit ang social media at mga instant messaging application.

Ayon sa ahensya, ginagamit ng mga nagpapanggal na indibidwal ang pangalan, larawan, at pekeng numero ng opisyal upang manghingi ng pera at magsagawa ng iba’t ibang uri ng panlilinlang.

Mariing nilinaw ng DA na hindi kailanman nanghihingi ng anumang uri ng pinansyal na tulong si Secretary Kiko Tiu Laurel sa pamamagitan ng personal na mensahe, tawag, o online platforms.

Hinimok ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-bastang magtiwala sa mga kahina-hinalang komunikasyon na gumagamit ng pangalan ng Kalihim.

Kung makatanggap ng ganitong uri ng mensahe o tawag, agad itong iulat sa Office of the Secretary sa numerong (02) 8273-2474 local 2282 upang maiwasan ang scam.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments