Iginiit ng Department of Agriculture Regional Field Office 1 na dapat sundin sa mga farm ang tamang pamamaraan ng pangangalaga sa mga hayop o Good Animal Husbandry Practices (GAHP).
Ayon kay Regulatory Division ng DA-RFO1, Dr. Rachelle Ducusin, importante umano na masunod ang magandang pamamaraan sa pangangalaga ng mga hayop dahil mas magiging kampante umano ang mga konsyumer na malinis at ligtas kainin ang kanilang mga bibilhing produkto.
Makatutulong rin ang pagsunod sa GAHP upang tumaas ang kalidad ng mga produktong mula sa farm at ibebenta sa mga palengke.
Dapat rin umano na pati ang paligid na pinaglalagakan ng mga alagang hayop ay ligtas at maayos dahil maaari rin itong makaapekto sa kalidad ng produkto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments