𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘𝗦, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗔𝗦𝗧 𝗚𝗨𝗔𝗥𝗗 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗛𝗘𝗔𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡

CAUAYAN CITY – Bilang pagpapaigting ng road safety awareness, nagsagawa ng Defensive Driving Courses ang Coast Guard District Northeastern Luzon (CGDNELZN).

Nangyari ang unang session noong ika-18 ng Hunyo sa TESDA Complex Building 9, Carig Norte, Tuguegarao City kung saan 19 na non-officers ang lumahok.

Ang ikalawang session ay pinangunahan ng Land Transportation Office (LTO) noong ika-21 ng Hunyo sa Conference Hall ng Headquarters sa Caritan Centro, Tuguegarao City.


Naglalayon ang Defensive Driving Courses na magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kalahok patungkol sa safe transportation ng mga personnel at equipment.

Maliban dito, binigyang diin din ang kahalagahan ng ligtas at responsableng driving habits upang makaiwas sa aksidente.

Facebook Comments