Tinalakay sa ginanap na Pre-Demolition conference ng Sangguniang Bayan ng Bayambang kasama ang mga concerned department heads at ilang national agencies ang ukol sa napipintong pag-okupa ng munisipyo sa isang lote na pagmamay-ari ng LGU.
Utos ang naturang pagpapatupad ng Writ of Demolition na ito ng Municipal Trial Court ng Bayambang hinggil sa Civil Case No. 1000.
Ang naturang lote kasi, pinamahayan na ng ilang illegal occupants kung kaya’t tinalakay kung paano matutulungan ang mga apektadong pamilya sa oras na masimulan na ang demolisyon.
Ayon sa Special Assistant to the Mayor ng bayan, sana ay maintindihan umano ng mga maaapektuhan na kailangan ipatupad ang naturang batas.
Dagdag nito na tutulong ang lokal na pamahalaan sa anumang pangangailangan ng mga apektadong pamilya gaya ng paglipat ng mga kagamitan at pang-edukasyon ng kanilang mga anak.
Samantala, nakatakda namang ipatayo sa naturang lote ang isang bagong Social Annex Hall ng Munisipyo para sa mas malawak na paghahatid ng iba’t ibang social services ng MSWDO. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨