Wednesday, February 4, 2026

𝗗𝗘𝗡𝗥 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔’𝗧 𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗪𝗘𝗧𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦

Cauayan City – Upang mas mapaigting ang pangangalaga at proteksyon ng mga wetlands, nagsagawa ang DENR Cagayan Valley ng iba’t ibang aktibidad kasama ang mga boluntaryo mula sa national at local government unit, mga paaralan, at mga barangay.

Kabilang sa mga isinagawa ang cleanup drive, tree growing, seedling distribution, at information drives at lectures sa mga wetland areas tulad ng Carague Lake sa Enrile, Cagayan, Malasi Tree Park and Wildlife Sanctuary Critical Habitat sa Cabagan, Magat Dam sa Ramon, Isabela, at sa iba pang bahagi ng Lambak ng Cagayan.

Ayon sa DENR, ang mga wetlands ay may mahalagang papel sa pagkontrol ng baha, pagpapanatili ng biodiversity, at pagsuporta sa kabuhayan ng mga komunidad, lalo na sa mga baybain at mabababang lugar.

Nagsisilbi rin itong likas na panangga laban sa epekto ng climate change at tahanan ng iba’t ibang uri ng halaman at hayop.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng DENR para sa kalikasan at sa pagpapanatili ng mga likas na yaman sa rehiyon.

‎ ‎—————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments