Patuloy ang panawagan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Region 1 sa mga kabataan na manguna sa pangangalaga sa Kalikasan.
Sa panayam kay DENR Region 1, Assistant Regional Director, Management Services Engr. Raymundo Gayo, napakalaki ng potensyal ng mga kabataan sa pangangalaga sa Kalikasan. Ilan lamang sa mga hakbangin na maaring makatulong ang mga kabataan sa kalikasan umano ay ang Tamang pamamahala sa basura.
Isa rin sa patuloy na adbokasiya ng ahensya ay ang maiwasan ang Matinding epekto ng climate change sa mundo na nakakaapekto sa araw-araw na buhay ng Isang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments