
Cauayan City – Tinanghal na kampeon ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 sa ika-apata Gawad ACE BEN o Agency Contribution for an Ennobling Basic Education towards Nation-building ng Department of Education Region 2.
Kinilala ang DENR Cagayan Valley dahil sa mahalagang ambag nito sa pagsusulong ng basic education, partikular sa pagpapaigting ng pagproseso ng school land titles.
Mula 2015 hanggang 2025, nakapagkaloob ang ahensya ng kabuuang 769 school land titles, dahilan upang manguna ang Cagayan Valley bilang Top 1 sa buong bansa na may pinakamaraming naipamahaging titulo ng pampublikong paaralan.
Bukod dito, nag-donate din ang DENR Region 2 ng mahigit 30,000 board feet ng nakumpiskang kahoy at turned-over logs mula sa mga mining company noong 2023 hanggang 2025.
Ginamit ang mga ito sa pagkukumpuni ng mga paaralang nasira ng bagyo at sa paggawa ng mga mesa at upuan ng mga mag-aaral.
Pinalawak din ng ahensya ang partisipasyon ng kabataan sa pamamagitan ng ENR Ambassador Program, youth congress, lakbay-aral, at iba pang environmental education initiatives.
Ayon kay Ismael Manaligod, patuloy na magiging katuwang ng DepEd ang DENR sa pagsuporta sa edukasyon, kabilang ang tuloy-tuloy na pagpapatitulo ng mga pampublikong paaralan at pagpapalakas ng adbokasiyang pangkalikasan kasama ang mga paaralan at komunidad sa Lambak ng Cagayan.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










