𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗔𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗗𝗔𝗗

Umaabot sa 26 na paaralan sa Ilocos Region ang nangangailangan ngayon ng pondo para sa pagsasaayos ng mga paaralang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Ayon kay Architect Felix Villanueva Jr., ang namumuno sa facilities division ng ahensya, kailangang isaayos ang mga paaralang apektado para sa proyektong Safer and Resilient Schools (ISRS).

Ayon sa datos, pumalo sa PHP 17.2 billion ang naging pinsala ng mga kalamidad sa mga paaralang nakapaloob sa rehiyon.

Hiling ng ahensya ngayon ang nasa PHP 252 Million para sa major repairs sa dalawang paaralan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, isa sa La Union, samantalang walo naman sa Pangasinan.

Sa ngayon, naiakyat na ang naturang kahilingan sa National Economic and Development Authority -Investment Coordination Committee para sa evaluation at approval nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments