𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗔𝗜𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗢𝗖𝗢𝗟𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗣𝗢𝗫

Inihayag ng Department of Education Region I na mas paiigtingin nito ang health protocols sa mga paaralan kasunod ng naitalang kaso ng monkepox sa bansa upang maprotektahan ang mga estudyante at guro laban sa sakit.

Ayon sa pahayag ng Support Services Division ng DepEd Region 1, operational ang mga school clinics gayundin ay may mga nakahandang isolation room.

Sakaling magkaroon ng sintomas ang mga estudyante ay inabisuhan itong huwag na pumasok o di nama’y oobserbahan sila sa itinalagang isolation room.

Maliban dito, pinaiigting din ang handwashing practices sa mga paaralan sa kalakhang region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments