𝗗𝗜𝗔𝗟𝗬𝗦𝗜𝗦 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗪𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥𝗡 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗖𝗧 𝗛𝗢𝗦𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗞𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡

Nakatakdang buksan ang bagong Dialysis Center sa Western Pangasinan District Hospital kung saan kasabay nito ang pagkakaroon din ng bagong CT Scan.

Alinsunod ito sa pagpapalawig ng serbisyong pangkalusugan para sa mga Pangasinense sa pamamagitan ng mga interbensyon tulad ng libreng mga serbisyong medikal.

Iba pang mga kagamitan tulad ng stationary at mobile X-Ray, generator sets at CT Scan Machine ang ilan pa sa mga kagamitang bebenipisyo para sa mga pasyente sa naturang ospital.

Samantala, sakaling maipasakamay na ang License to Operate mula sa Department of Health ay bubuksan na sa publiko ang health facility. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments