Wednesday, February 4, 2026

𝗗𝗜𝗖𝗧 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗜𝗜, 𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚-𝗗𝗜𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗣𝗘𝗟 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗘𝗧 𝗨𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗔

‎Cauayan City – Mahalaga ang papel ng mga magulang para maging ligtas ang kanilang mga anak sa kapahamakan, lalo na sa paggamit ng internet at digital devices.

‎Ito ang binigyang-diin ni Mr. Ronald Bariuan, kinatawan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region II, kaugnay ng paggunita ng Safer Internet Day for Children Philippines at Child Sexual Abuse and Awareness Week.

‎Ayon kay Bariuan, mahalagang maging mapagmatyag ang mga magulang sa mga online platforms at content na kinahihiligan ng mga kabataang 18 taong gulang pababa upang maiwasan ang posibleng panganib sa cyberspace.

‎Dagdag pa niya, ang aktibong partisipasyon ng magulang sa digital life ng kanilang mga anak ay susi upang maprotektahan sila laban sa online abuse at iba pang anyo ng pang-aabuso sa internet.

‎Binigyang diin rin niya na ang edukasyon at tamang gabay ng magulang ay makatutulong upang maging ligtas at responsable ang mga bata sa paggamit ng digital na teknolohiya, at mabawasan ang mga banta sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

‎——————————————
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments