Iminungkahi ngayon sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ang paglalabas ng isang memo ukol sa direktibang pagsusuot ng face mask ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Kasunod ito ng natanggap umanong report na may nagpositibong empleyado sa COVID19.
Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Councilor Red Mejia, bineberipika pa sa ngayon ang naturang kaso lalo na at mayroon pa umanong naitalang residente na COVID19 positive bukod sa nasabing empleyado bagamat wala pang tukoy o eksaktong bilang ang naihayag dahil kinakailangan pa ng kumpirmasyon mula sa DOH.
Aniya, ang kautusang pagsuot ng face mask ay upang maiwasan ang pagkakahawaan sa mga empleyado ng lokal na gobyerno.
Inaasahan na sa pamamagitan ng awtoridad ni Vice Mayor Bryan Kua ay maimplementa ang iminungkahing direktiba.
Samantala, sa Ilocos Region, mula May 5 hanggang 11, nasa tatlumpu’t-siyam (39) ang naitalang bagong kaso sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨