𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗟𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗜𝗭𝗘𝗗 𝗩𝗘𝗦𝗧 𝗔𝗧 𝗦𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Ipinamahagi na ang mga libreng reflectorized vest at sticker sa bayan ng Binmaley sa mga nagparehistrong motorista.

Tinanggap ng limang daang motorista sa bayan ang mga naturang vest at sticker bilang pagsunod sa bagong umiiral na ordinansa o mandatoryong pagsusuot ng visibility material sa Pangasinan.

Malaking tulong umano sa mga motorista ang mga naipamahaging libreng reflectorized vest at sticker hindi lamang bawas gastos kung hindi pagsisiguro rin sa kanilang kaligtasan sa pagbyahe sa kakalsadahan tuwing gabi.

Samantala, tuloy-tuloy na ang pagbabantay ng awtoridad sa mga kakalsadahan sa mga bayan at siyudad sa lalawigan upang masigurong sumusunod ang lahat sa bagong ipinatupad na ordinansa.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments