𝗗𝗢𝗛 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗚𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗬𝗢𝗦𝗜, 𝗩𝗔𝗣𝗘 𝗔𝗧 𝗧𝗢𝗕𝗔𝗖𝗖𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗔𝗕𝗨𝗦𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟 𝗪𝗘𝗘𝗞

Puspusan sa paalala ang Department of Health Center for Health Development Ilocos Region sa publiko ukol sa masasamang mga epekto sa katawan ng pagyoyosi, paggamit ng vape at tobacco.
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 124, na may petsang Nobyembre 26, 2001, sa ikatlong linggo ng Nobyembre taon-taon ay idineklara bilang Drug Abuse Prevention and Control Week upang isulong ang kamalayan ng publiko laban sa masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga gayundin ang pakikipagtulungan ng publiko sa kampanya kontra droga ng gobyerno.
Ayon sa kagawaran ng Kalusugan, ang paggamit ng yosi, vape at heated tobacco products (HTP) ay nagdudulot ng sakit maging sa mga nakakalanghap ng usok nito dahil naglalaman ito ng mga kemikal.

Bukod sa mga bisyong ito, pinapaalalahanan din ng ahensya ang publiko ukol sa masamang epekto ng pag-inom ng alak dahil maaari itong magdulot ng mga sakit gaya ng cancer, hypertension, liver disease, at digestive problems. Maaari din itong maging sanhi ng kadalasang vehicular accidents.
Binigyang diin ng ahensya ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot na marami ding sakit at pinsala ang maidudulot nito sa buhay ng sinumang gagamit nito.
Pinapaalala ng kagawaran ang ukol sa mga masasamang epekto ng mga nabanggit na kagamitan o bisyo dahil nais na maging bisyo-free lifestyle at upang magkaroon ng maayos na kalusugan ang isang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments