Pinawi ng Department of Health Ilocos Region ang pangamba ng mga magulang kaugnay sa mga bakunang itinuturok sa mga bata alinsunod sa paglunsad ng Bakuna Eskwela ng kagawaran.
Ayon kaya Ilocos Region R1MC Dr. Marvin Callanta, ang mga bakuna sa ilalim ng programa o mga bakuna kontra Measles-Rubella, Tetanus-Diptheria at HPV ay ligtas upang malabanan ang posibleng banta nito sa kalusugan ng mga bata at kabataan.
Paglilinaw nito sa mga may agam-agam na magulang bagamat nabakunahan na dati ang mga bata, maaaring magsilbi itong booster.
Pinabulaanan din nito na hindi maooverdose ang mga bata sa pagtuturok ng bakuna.
Nauna nang sinabi ng kagawaran na epektibo ang mga bakuna at may layong maprotektahan laban sa mga vaccine-preventable diseases.
Samantala, ilang mga pampublikong paaralan sa mga bayan at lungsod sa rehiyon ang naglunsad na ng Bakuna Eskwela. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨