𝗗𝗢𝗛 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦

Muling nagpaalala ang kagawaran ng kalusugan sa rehiyon uno (DOH R1) bunsod ng tumataas na kaso ng leptospirosis sa bansa.

Ayon sa DOH Region 1, nagsulputan ang mga peste sa mga maputik na daan o mga lugar kung saan mayroong baha ngayong tag-ulan kaya naman naglipana ang iba’t-ibang uri ng sakit tulad ng leptospirosis.

Mahalaga na masiguro umano ang proteksyon ng bawat isa laban sa mga sakit ngayong tag-ulan at malaman ang mga impormasyong upang makaiwas sa pagkakasakit.

Kung makaranas ng sintomas ng leptospirosis ay agad na magpa konsulta sa doktor o pumunta sa malapit na ospital upang agad na magamot.

Sa huling tala ng kagawaran, nasa tatlumput pito ang naitalang kaso ng leptospirosis sa buong rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments