Dahil sa layunin ng Department of Science and Technology (DOST) Region 1 na matulungan ang mga kabilang sa Micro, Small, and Medium Enterprises ay nais ng ahensya na mahikayat ang mga ito na magpatala sa kanilang programang SETUP.
Ito ang programang Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng ahensya kung saan nilikha ito upang makapag-abot ng iba’t ibat tulong gaya ng technical support para sa mga may maliliit na negosyo.
Tutulungan ang mga mahihikayat na MSMEs na lumahok sa programang ito sa pamamagitan ng inobasyon gamit ang mga upgraded machineries para mas maging maganda at magkaroon ng mataas na kalida ang ng kanilang mga produkto.
Ayon sa ahensya, ang sinumang maka-qualified o makakapagtala sa ahensya ay maaaring tumanggap ng nasa P5-Milyong halaga ng technology assistance na gagamitin nila sa kanilang negosyo.
Kaya’t patuloy na hinihikayat ng DOST ang mga MSMEs upang mas mapalago ang kanilang mga negosyo.
Maaaring kontakin ang kanilang Facebook Page upang idulog ang kanilang kagustuhang makapagpatala sa programang SETUP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨