
Cauayan City — Arestado ang isang 32-anyos na driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa isang feed plant sa Barangay Soyung, Echague, Isabela nitong ika-18 ng Enero.
Ang suspek na kinilalang si alyas “Lito,” residente ng Misamis Oriental, ay naaresto habang isinasagawa ang regular na body search at inspeksyon ng mga security personnel sa guard post ng planta.
Ayon sa Echague Police Station, agad na ipinaalam ng security officer ang insidente sa pulisya matapos matagpuan ang isang heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang ilegal na droga mula sa bulsa ng suspek.
Rumesponde ang mga pulis at isinagawa ang pagmamarka at imbentaryo ng ebidensya sa presensya ng suspek, isang barangay kagawad, at kinatawan ng DOJ.
Dinala ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya sa Echague Police Station para sa imbestigasyon at laboratory examination.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










