Monday, January 19, 2026

β€Žπ——π—₯π—œπ—©π—˜π—₯ 𝗑𝗔 π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, 𝗔π—₯π—˜π—¦π—§π—”π——π—’

β€Ž
β€ŽCauayan City – Matagumpay na naaresto ng Cauayan Component City Police Station ang isang driver sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation sa Barangay Minante 1, Cauayan City, Isabela nitong ika-16 ng Enero 2026.
β€Ž
β€ŽKinilala ang suspek sa alyas na “Ramon,” 36-anyos, may asawa, residente ng nabanggit na lugar at itinuturing na Street Level Individual (SLI) na umano’y sangkot sa pagbebenta at paggamit ng ilegal na droga sa nasabing barangay.
β€Ž
β€ŽSa operasyon, nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang ilang hinihinalang shabu na nakasilid sa mga plastic sachet at foil, buy-bust money, boodle money, dalawang cellphone, lighter, gunting, pouch, mga gamit sa paninigarilyo, at kanyang driver’s license.
β€Ž
β€ŽMatapos ang operasyon, dinala ang suspek at mga ebidensya sa Isabela Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri bago siya sinampahan ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165.
β€Ž
β€ŽIsinagawa naman ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Drug Enforcement Unit ng Cauayan CCPS, katuwang ang Provincial Drug Enforcement Unit–IPPO, RMU 2, RIU 2, at sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments