𝗗𝗥𝗢𝗣 𝗔𝗡𝗗 𝗣𝗜𝗖𝗞 𝗨𝗣 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗦𝗔 𝗛𝗨𝗡𝗗𝗥𝗘𝗗 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗡𝗗𝗦 𝗡𝗔𝗧’𝗟 𝗣𝗔𝗥𝗞 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗛𝗢𝗟𝗬 𝗪𝗘𝗘𝗞, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos ang drop and pick up policy sa mga turistang bibisita sa Hundred Islands National Park bilang paghahanda sa pagdagsa dito.

Tinatayang nasa 10,000 turista kada araw ang inaasahang dadagsa mula March 28 hanggang March 31.

Sa naturang polisiya, City Tourism and Cultural Affairs Office Assistant Head Rose Aruelo, tatlong isla lamang sa isang araw ang maaaring bisitahin ng mga turista. Mula sa tatlong isla na kanilang napili, tutukuyin nila ang isla na kanilang pamamalagian nang matagal at makipagkasundo sa bangkero ukol sa oras ng kanilang pick up. Dapat sundin umano ng mga bangkero ang pick up time upang hindi magmulta. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments