Umabot na sa 2,710 ang bilang ng mga barangay sa Ilocos Region ang drug Cleared.
Sa naturang bilang 338 ang ‘completely drug free’ base sa datos ng awtoridad.
Maituturing na drug Cleared ang isang barangay kung mayroong functional na Barangay Anti-illegal drug abuse council, non-availability ng suplay na droga, mayroong drug awareness campaign at may drug treatment and rehabilitation processing desk.
Dahil dito, binigyang parangal ang nasa 123 high-performing Anti-Drug Abuse Councils sa isinagawang 2024 Regional Peace and Order Council and Anti-Drug Abuse Council Performance Awarding ceremony ang mga LGUs, ahensya ng gobyerno at civil society.
Ito ay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa paglaban kontra illegal na droga at krimen.
Pinuri naman ni PDEA Ilocos Regional Director Joel Plaza ang mga ito na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan upang tuluyang masugpo ang illegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨