𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗗𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬; 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗

Arestado ang tatlong kalalakihan sa La Union matapos salakayin ng awtoridad ang tinaguriang drug den sa Barangay Raois, Bacnotan, La Union.

Kabilang sa tatlong suspek ay isang barangay tanod.

Nasamsam ang humigit kumulang tatlumpung gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 150,000, hinihinalang marijuana seeds, drug paraphernalias.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 na nasa kustodiya ng PDEA Region 1 sa San Fernando City, La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments