𝗗𝗥𝗨𝗚 𝗥𝗘𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗞𝗗𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗜𝗡𝗦𝗬𝗔

Pormal nang itinakda ngayong araw ika-7 ng Disyembre ang isang Drug Reformation Center na matatagpuan sa bayan ng Burgos, Pangasinan bilang Balay Silangan ng probinsya.
Dahil dito naganap ang pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) at Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na pinangunahan ni Governor Ramon Guico III maging ng iba’t ibang mga ahensya gaya na lamang ng PDEA Region 1 sa pangunguna din ni Regional Director Joel B. Plaza, Burgos Police Station, BFP, DSWD, DILG, DEPED, TESDA, Religious Sector, RHU at marami pang iba.
Ayon kay Guico, ang pagpapatupad at pagpapalakas ng community-based action plan sa pamamagitan ng Balay Silangan Reformation Program ay isang Magandang oportunidad ng lalawigan na tumulong sa reporma o pagbabago sa mga drug offenders bilang self-sufficient at masunurin sa batas na mga indibidwal.

Matatandaan na inilunsad ng PDEA ang pasilidad na “Balay Silangan” na naglalayong magtayo ng pansamantalang tirahan para sa mga drug offenders kung saan isa itong community-based rehabilitation program makapagbigay ng pagkakataon na sila ay makapagbagong buhay sa pamamagitan ng iba’t ibat aktibidad sa loob ng isang buwang pananatili sa loob.
Samantala, sa Rehiyon Uno mayroon ng 49 na Balay Silangan ang naitayo sa iba’t ibang lugar sa rehiyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments