LA UNION – Isinagawa ang dry run ng early warning system ng probinsiya ng La Union bilang paghahanda sa anomang kalamidad.
Ang naturang early warning system ay daan upang ialerto ang mga residente sa banta ng anomang sakuna na maaring maranasan ng lalawigan.
Ayon sa La Union PDRRMO, nangangahulugan na may nagbabadyang panganib at dapat maging updated ang bawat residente sa balita at impormasyon kapag tatlong minutong tuloy-tuloy na napakinggan ito.
Ang pataas at pababa naman na tono ng wang wang sa loob ng isang minuto ay nangunguhulugang nalalapit na ang panganib at dapat kinakailangan ang agarang paglikas, habang ang diretsong tono ng wang wang sa isang minuto ay nangangahulugang tapos na ang peligro.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mainam na malaman ng bawat residente ang kahulugan ng early warning system para sa kanilang kaligtasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨