CAUAYAN CITY – Patuloy na nakaalalay ang Department of Social Welfare and Development Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR) sa mga nasalanta ng Bagyong Marce sa Cordillera.
Umabot sa Php 407,524.90 ang halaga ng food, non-food items at cash assistance ang naipamahagi.
Nasa 1,058 na pamilya naman ang inilikas mula sa bagyong Marce.
May naiulat ding dalawang nasirang bahay sa Apayao, at Kalinga at patuloy pa ring inaalam ng mga ahensya kung may mga karagdagan pang napinsala bunsod ng Bagyong Marce.
Nakatakda ring magpadala ang DSWD-CAR ng 3,250 family food packs sa Region 2 at 128 family food packs sa Conner, Apayao.
Samantala, patuloy ang isinasagawnag monitoring ng iba’t- ibang ahensya para agarang makapagbigay ng tulong sa mga apektado ng bagyo.