𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗙𝗜𝗘𝗟𝗗 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝟭, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗧𝗢𝗖𝗞𝗣𝗜𝗟𝗘 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗔𝗖𝗞𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 na mayroong sapat na stockpile ng family food packs sa rehiyon sa banta ng bagyong Leon.

Ayon sa ahensya nasa of 68,357 family food packs, and 16,718 non-food items ang naka proposisyon na sa labing siyam na warehouses sa rehiyon kabilang ang karagdagang suplay na nirequest mula sa Central Office.

Nauna nang nagsagawa ng coordination meeting ang ahensya sa response cluster agencies upang masiguro ang mga kinakailangang tulong ng mga kababayang nangangailangan ngayong panahon ng kalamidad.

Samantala, nasa 26,689 family food packs, 348 non-food items, at 86 6L bottled drinking water ang naipamahagi sa mga LGUs na nag request ng augmentasyon ng food packs sa mga apektado ng bagyong Kristine. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments