
Cauayan City โ Nagsagawa ng monitoring ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa mga benepisyaryo ng Pag-Abot Program sa Jones at Quirino, Isabela, pati na rin sa Amulung, Ballesteros, at Claveria, Cagayan.
Sa kanilang pagbisita, sinuri ng DSWD ang kalagayan ng mga proyektong pangkabuhayan ng mga benepisyaryo upang matiyak ang tagumpay at pagpapatuloy ng mga programang pangkabuhayan.
Layunin nitong matukoy ang kanilang progreso, magbigay ng karagdagang gabay, at alamin ang mga hamong kinakaharap upang masiguro ang pagpapatuloy ng kanilang mga inisyatiba.
Ayon sa ahensya, mahalaga ang regular na pagsubaybay upang mapalakas ang suporta sa mga benepisyaryo at matiyak na nagagamit nang maayos ang tulong na ibinigay sa kanila.
Samantala, hinikayat din nila ang mga benepisyaryo na ipagpatuloy ang pagsisikap upang masigurong magtatagumpay at magtatagal ang kanilang mga proyekto.