Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development Regional Office 1 na maaaring sa susunod na taon pa maipatupad ang pagpapaabot ng P10, 000 cash gift sa mga magdiriwang ng ika 80,85,90 at 95 na kaarawan.
Ayon kay DSWD Region 1 Asst. Regional Director Anniely Ferrer, kasalukuyan pa umanong binabalangkas ang implementing rules regulations nito at isasalaysay pa sa General Appropriations Act ang pondo nito para maumpisahan.
Sa kanilang datos, nasa 607,600 na indigent senior citizens ang nakakatanggap ng P12,000 na social pension kada taon habang 705 centenarian naman ang nabahagian na ng cash gift sa buing rehiyon.
Matatandaan na nitong Pebrero ay inaprobahan ni Pangulonf Ferdinand Marcos Jr. ang pag-amyenda sa Centenarian Act. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨