CAUAYAN CITY β Sa pagtutulungan ng DTI at DAR ay nagsagawa ang dalawang kagawaran ng Business Planning Seminar sa Brgy. Capuseran, Benito Soliven, Isabela.
Lumahok sa aktibidad ang 26 Agrarian Refrom Beneficiaries (ARBβs) mula sa Capuseran Agriculture Cooperation kung saan ay nakatuon ang kanilang kooperatiba sa pagtatanim at pagbebenta ng saging.
Sa ginawang seminar ay itinuro sa kanila ang Business Model Canvas, isang strategic tool na maaari nilang gamitin sa paggawa ng mabisang plano ng negosyo.
Layunin nito na mapalakas ang mga local banana farmers at mapaunlad pa ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.
Facebook Comments